#TODAsks: Sino sa 'TODA One I Love' stars ang lumaban sa holdaper noon? - gohong01

Panigurado, bago pa sila maging artista ay naranasan na nila ang mag-commute. Ano nga ba ang hindi malilimutang commute experience ng ilang TODA One I Love stars?

Inamin ni Ruru Madrid na isang beses ay lumaban siya sa isang holdaper noong pauwi pa lamang siya galing school noong siya ay 13 years old.

Kuwento niya, “Dati kasi, laging ako nagji-jeep lalo na 'pag papasok sa school noong high school ako. Minsan uuwi na ako ng gabi kasi magte-training pa ako ng basketball.”

“Na-hold-up yung sinasakyan naming jeep tapos ako lang yung hindi nakuhanan ng gamit kasi lumaban ako eh.”

Natatawang ikinuwento naman ni Kylie Padilla na lagi siyang tumatakas sa bahay nila noong edad 14 siya para makita ang kaniyang crush.

Aniya, “Hindi ko talaga makalimutan is iyong tumatakas ako noong may crush ako. Tatakas ako ng bahay, 'tapos sasakay ako ng jeep para lang makita siya.”

Samantala, masipag naman maglakad noon si Kapuso hunk David Licauco kahit sobrang bigat ng bag niya noong nag-aaral pa siya.

“I would ride the LRT from Balintawak Station to Vito Cruz na may dala akong malalaking stuff kasi basketball player ako.

“I way carrying a big bag with all my jerseys, rubber shoes, books for school. 'Tapos, maglalakad ako sa EDSA para makarating sa station kasi yung village namin one kilometer away from LRT Balintawak station.

“Naalala ko nawala pa iyong wallet ko. I was only 16, 17 then.”

MRT commute story naman ang ibinagi ni Kimpoy Feliciano, na na-trauma raw dahil sa sobrang siksikan ng mga tao.

“One time sumakay ako ng MRT, muntikan na ako ma-suffocate kasi talagang siksikan yung mga tao, na nakadikit na yung mukha sa taas ng tren.

“Hindi ko alam bakit, siguro nagmamadali umuwi yung iba, talagang sinisiksik nila yung sarili nila.

“Hindi ko kinaya kasi hindi talaga ako madalas mag-MRT parang na-trauma ako.”

Naranasan naman ni Kapuso babe Kim Domingo na magulo ang kaniyang buhok tuwing sumasakay siya sa jeep.

Ayon sa kanya, kahit anong ayos niya ng kanyang buhok, pagdating siya sa school ay sabog-sabog na ito.

Ikaw, ano ang hindi mo malilimutang experience sa pagko-commute? Ibahagi ang inyong karanasan at sumali sa talakayan.

97JEZ 速借網 服務項目:

借錢

私人借錢

私人小額借款

借款

當鋪

企業借款

車貸

房貸

贊助廣告:安貸

借錢 線上借錢

97JEZ 服務項目: 借錢 小額 借款 當鋪 民間借貸 車貸


喜歡?給個讚吧 :)
網友推薦

熱門關鍵字:

康福開發設計股份有限公司 硬化地坪 地坪處理 混凝土硬化地坪 混凝土硬化工程 拋光地坪 混凝土磨石地坪