IN PHOTOS: First look at the cast of 'Prima Donnas' - gohong01

Ipinakilala na ang mga karakter na gagampanan nina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo sa bagong family-serye ng GMA na 'Prima Donnas.' Kilalanin ang iba pang mga artista na makakasama nila sa gallery na ito.

Jillian Ward

Si Jillian Ward ang magiging ate ng triplets, ang responsable at matiyaga na si Donna Marie.

 Althea Ablan

Bibigyang buhay naman ni Althea Ablan ang ambisyosa at feeling prinsesa na si Donna Belle.

Sofia Pablo

Mahina, lampa, at sakiting anak si Donna Lyn, ang karakter na gagampanan ni Sofia Pablo.

Donnas

Sina Donna Marie, Donna Belle, at Donna Lyn ang triplets na kakapitan ang isa't isa upang mamuhay nang mapayapa.

Katrina Halili

Si Katrina Halili ang tatayong ina ng mga Donna, si Lilian.

Wendell Ramos 

Gagampanan ni Wendell Ramos ang katauhan ni Jaime, ang tatay ng magkakapatid.

Chanda Romero

Ang beteranang aktres na si Chanda Romero ang gaganap na lola ng Prima Donnas at nanay ni Jaime, si Lady Primarosa.

Aiko Melendez

Balik-Kapuso ang aktres na si Aiko Melendez sa pamamagitan ng 'Prima Donnas.' Bibigyang buhay niya ang karakter ni Kendra, isang tao na kinupkop ni Prima.

Elijah Alejo

Si Elijah ang gaganap na si Brianna, ang magpapahirap sa buhay ng tatlong Donnas.

Benjie Paras

Gagampanan ni Benjie ang masungit at iritableng driver ni Jaime na si Agaton.

Gina Alajar

Idederehe ng beteranang aktres at direktor na si Gina Alajar ang 'Prima Donnas.'

Prima Donnas

Abangan ang 'Prima Donnas,' malapit na sa GMA Afternoon Prime.

喜歡?給個讚吧 :)
網友推薦

熱門關鍵字:

康福開發設計股份有限公司 硬化地坪 地坪處理 混凝土硬化地坪 混凝土硬化工程 拋光地坪 混凝土磨石地坪