EXCLUSIVE: Yasmien Kurdi, may nakakatakot raw na karanasan sa Malaysia? - gohong01

Hindi makapaniwala ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi na marami siyang international fans mula sa iba't ibang panig ng mundo gaya na lang ng Africa at Malaysia.

Yasmien Kurdi

WATCH: Yasmien Kurdi, nakatanggap ng mensahe mula Africa dahil sa balik tambalan nila ni Dion Ignacio

Ayon kay Yasmien na nakapanayam ng GMANetwork.com sa media conference ng kaniyang upcoming show na Hiram Na Anak, may nakakakabang karanasan raw siya nang pumunta siya sa Malaysia.

Aniya, "Noong nagpunta ako ng Malaysia, nagulat ako kasi pagpunta ko ng convenience store, may nakatingin sa aking dalawang lalaki.

"Kinakabahan ako, sabi ko 'Bat sila nakatingin?'

"Tapos biglang sinabi [nila] 'You're an actress?'

"Sabi ko, 'Um, yes.'

"Sabi niya, 'Are you Ysabel?'

"Ayun pala, ang title ng show doon, hindi Sa Piling Ni Nanay, Ysabel! Tiniwag nila 'yung mga asawa nila, talagang nagpa-picture sila."

Sakto pala ang pagpunta ni Yasmien sa Malaysia dahil kakatapos lang umere ng kaniyang 2016 soap na Sa Piling Ni Nanay kung saan bumida siya bilang si Ysabel kaya naman maraming nakakakilala sa kaniya dito. Maliban sa convenience store, may nagpa-picture rin daw sa kaniya sa immigration office at pati na rin sa bus!

Isa pa sa ikinagalak ni Yasmien ay ipinapalabas raw ang kaniyang soap sa isa sa mga pinakamalaking public TV channels sa Malaysia.

"Ang Ysabel pala doon o Sa Piling Ni Nanay, ine-ere siya sa main network, hindi siya GMA Pinoy TV.

"'Yung TV3, lahat ng drama, so umeere rin ako doon ng hapon sa TV3.

"Tapos noong nagpunta si Rey (Soldevilla, husband of Yasmien) sa Malaysia, binuksan niya [yung TV]. Sabi ko '3 o'clock daw 'yung show diyan.'

"Sabi niya 'O sige aabangan ko.' Nakita niya talaga, tuwang-tuwa siya kasi nga nakita niya na umeere talaga kami sa Malaysia sa main channel nila," kuwento ng aktres.

Ngayong mapapanood siya bilang Miren sa Hiram Na Anak, ang hiling naman ni Yasmien ay sana raw tangkilikin at mahalin rin ang kaniyang panibagong proyekto.

"Sana, sana tangkilikin nila at suportahan nila 'to tulad ng pagsuporta nila sa mga show ko sa Afternoon Prime.

"'Yung Dramarama sa Hapon, dadalhin na po namin sa umaga, ito ang Hiram Na Anak, simula February 25, 11:30 AM, bago mag-Eat Bulaga."

喜歡?給個讚吧 :)
網友推薦

熱門關鍵字:

康福開發設計股份有限公司 硬化地坪 地坪處理 混凝土硬化地坪 混凝土硬化工程 拋光地坪 混凝土磨石地坪